• Eureka!!! A site for you! Providing you useful bits and pieces. Pass or even top the board
  • Explore the Wonders of Earth! see, come and enjoy! have a glimpse of a hidden paradise, explore and experience nature's goodness
  • Looking for dedicated LET/Civil Service Review Materials? Seek no more! We've got it for you!
Main » 2013 » September » 14 » LET Reviewer for FILIPINO Majors Part 3
2:30 PM
LET Reviewer for FILIPINO Majors Part 3
LET Reviewer for FILIPINO MAJORS
(Correct answers will be provided upon request)

LINGWISTIKA

1. Ang Pilipino ay binubuo ng may 7, 107 mga pulo na pinanahanan ng milyun-milyong mamamayang may humigit-kumulang na 87 iba’t ibang wikang sinasalita. Hindi sila nagkaroon noon ng isang wikang katutubong masasalita sanhi marahil na rin sa pagkakabukod-bukod sa mga pulo. Ang hakbang tungo sa paglinang ng wikang pambansa ay nagsimula noong _________________.
A. Panahon ng Kastila
B. Panahon ng Propaganda at Himagsikan
C. Panahon ng Amerikano
D. Panahon ng Malasariling Pamahalaan

2. Ang wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay  ng batas na gagamitin ng pamahalaan sa pakikipagtalastasan sa kanyang mga mamamayang nasasakupan sa larangan ng edukasyon, pamamahala at pangangalakal.A lin ang nagtakda sa paglinang ng isang wikang pambansa?
A. Batas Komowelt Blg. 184
B. Batas Komonwelt Blg. 570
C. Artikulo IV, Pangkat 3 ng Saligang Batas 1935
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263

3. Ang unang lupon na itinatag upang pag-aralan kung aling wikang katutubo ang pagbabatayan ng wikang pambansa ay gumamit ng mga panukatan. Alin ang hindi kasama sa panukatang ginamit?
A. Pangunahing wikang sinasalita at nauunawaan ng higit na nakararami
B. Ang wikang sinasalita ng maraming kasapi sa lupong nag-aaral sa mga wika.
C. Wikang may mayamng panitikang nasusulat
D. Wikang sinasalita at ginagamit sa sentro ng pamahalaan, komersyo at edukasyon

4. Nang malinang ang wikang pambansa batay sa Tagalog, iba’t ibang pangyayari ang naganap upang patuloy itong paunlarin. Aling panyayari nang magkaroon ng daluyong ang langit-langitan ng wikang pambansa?
A. Nang binubuo ng mga delegado ng Kumbensyong Konstitusyunal 1972 ang bagong saligang Batas.
B. Nang nasakop ng Hapon ang kapuluan na di pa natatagalang ipinatuturo ang wikang pambansa.
C. Nang panahon ng Bagong Lipunan na ipinatupad ang Batas Militar.
D. Nang pairalin ang patakarang  Edukasyong Bilinggwal noong 1974 sa mga paaralan.

5. Ang wikang pambansa ay patuloy na nililinang upang patuloy na umunlad sa edukasyon. Aling Kautusang Pangkagawaran ang nakapagbigay ng pinakamalaking pagkakataon na sumulong ang Wikang Filipino?
A. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959
B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962
C. Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987
D. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974

6. Ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1963) ay lumikha ng isang lupon at itinakda na siyang pipili ng isang katutubong wika na pagbabatayan ng wikang pambansa. Nagpatuloy  ito sa tungkulin ng pagpapaunlad ng wikang pambansa at nakilala sa iba’t ibang pangalan ang tanggapang ito. Alin ang wastong pagkakasunud-sunod na pagbabago sa pangalan nito hanggang sa kasalukuyan?
A. Lupon  Surian ng Wikang Pambansa  Linangan ng mga Wika sa Pilipinas  Komisyon sa WIkang Filipino
B. Surian ng Wikang Pambansa  Linangan ng mg Wika sa Pilipinas  Komisyon sa Wikang Filipino
C. Linangan ng mga Wika sa Pilipinas  Surian ng Wikang Pambansa  Komisyon sa Wikang Filipino
D. Komisyon sa Wikang Filipino  Surian ng wikang Pambansa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas

7. Aano ang pangkalahatang layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino upang mapaunlad, mapalaganap at mapanatili ang Filipino at iba pang wika?
A. Magsagawa, mag-ugnay at magtaguyood ng mga pananaliksik
B. Magsagawa ng mga seminar at palihan
C. Makaipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya
D. Maglimbag ng mga aklat at diksyunaryo

8. Bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap sa wikang pambansa ang alpabeto ng wikang Filipino ay umagapay  rin sa pagbabago. Alin ang nagpapakita ng wastong pagbabagong nagaganap sa alpabetong Filipino?
A. alibata  abakada  alpabetong Filipino
B. alibata  abakada  abecedario  alpabeto
C. alibata  alpabeto  abakadang Tagalog     
D. alibata  abecedario  abakada  alpabeto

9. Ang kautusang pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 na may pamagat na " Ang alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” ay nagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaugnay sa gawaing ortograpiya ng isang wika?
A. Kung paano ang pagbasa at pagsulat sa wikang ito
B. Kung ilan ang mga letrang binubuo sa alpabeto nito
C. Kung paano tatawagin o ngangalanan ang mga letrang ito
D. Kunga no ang mga tuntunin dapat sundin sa ispeling gamit ang mga letra ng alpabeto

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa pagbabagong ipinasok na reporma sa ortograpiyang Filipino noong 1987?
A. Ang pagbaybay sa Filipino ay di papantig kundi patitik
B. Ang bigkas ng letra ay bigkas Ingles ng mga Filipino maliban sa enye (ñ) na bigkas Kastila
C. Ang 8 letrang hiram ay gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salita nab ago pa lang ginagamit
D. Ang 8 letrang hiram ay gagamitin sa pantanging ngalan, salitang teknikal at mga salitang may unikong katangiang cultural mula sa iba’t ibang katutubong wika.

11. Upang mapabilis ang pagsulong ng wikang Filipino, ang pangulo ng bansa ay nag-atas o nagproklama. Alin ang atas na nagpapahayag na ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto taun-taon?
A. Proklama Blg. 12 (1954)
B. Proklama Blg. 186 ( 1955)
C. Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972)
D. Atas ng Pangulo Blg. 335

12. Ang probisyong pangwika ng Saligang Batas 1987 sa Artikulo XIV Sek. 6 ay nagsasaad: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas  at sa iba pang wika. Bakit kaya naging ganito ang unang pangungusap ng probisyon. "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”
A. Sa Saligang Batas 1983 ang probisyon ay nagsabing wikang pambansa ay patuloy na lilinangin at tatawaging Filipino na nagdulot ng kalituhan.
B. Marami kasi ang naniniwala na upang maging malinaw na ang Pilipino ay tawag sa tao at ang Filipino ay tawag sa wika.
C. Ang letrang F ay matatagpuan sa iba pang katutubong  wika tulad ng Ilokano, Tiruray,Itawis, Ivatan kaya, upang ipakita na ang Filipino ay pinauunlad din ng iba  pang katutubong wika.
D. Ang wikang pambansa, nang ito ay malinang, ay nakilala sa tawag na Tagalog at nang malaunan ay ginawang Pilipino at sa patuloy na pag-unlad ay tinawag ng Filipino.

13. Maraming mga salita na nagkakaiba ng kahulugan dahil sa isang titik. Aling salita ang dapat gamitin sa mga patlang sa pangungsuap?
Ang    ng dating ng mga mamimili dahil sa taas ng bilihin ngunit may araw namang    ang dating.
A. Baling
B. Dalang
C. Galang
D. Salang

14. Kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit ng praksyon, ginagamit ang   , 
A. kudlit
B. gitling
C. tuldik
D. gatlang

15. Sa sumusunod na mga pahayag, alin ang nagpapakita ng tamang kayarian ng paglalarawan sa katangian ng kilos?
A. Iba magmahal ang kapamilya
B. Ibang magmahal ang kapamilya
C. Iba ang magmahal ang kapamilya
D. Iba, magmahal ang kapamilya

16. Aling pahayag ang nagpapakita na pamuno sa simuno?
A. Si Pedro ay mangingisda nang dumating ako kahapon.
B. Si Pedro ay nangisda at dumating kahapon.
C. Si Pedrong mangingisda ay dumating kahapon.
D. Si Pedro, ang mangingisda, ay dumating kahapon.

17. Alin sa mga pahayag-pandamdam ang nagpapahayag ng "walang katiyakan?”
A. Ay, saying!
B. A, ganoon!?
C. Bahala na!
D. Este,…..

18. Ibig ng ina na pumunta ang anak sa lola niya pagkagaling sa eskwela. Aling pangungusap ang dapat niyang asbihin?
A. Huwag kang dumaan sa lola mo.
B. Huwag na hindi ka pumunta sa lola mo.
C. Huwag kang makalilimot sa pagpunta sa lola mo.
D. Huwag kang pumunta sa lola mo kung wala siya roon.

19. "Kukuha ako ng bulaklak sa hardin sa iyo.” Aling pahayag ang kasingkahulugan nito?
A. Ipangunguha kita ng bulaklak sa hardin.
B. Kata ay mangunguha ng bulaklak sa hardin
C. Ikukuha nita ng bulaklak sa hardin
D. Ang kanitang bulaklak ay kukunin ko sa hardin.

20. Tiniyak niya sa kausap  kung kalian talaga niya nakita ang kaibigan nila. Alin ang angkop niyang sabihin?
A. Nakita ko talaga si Ruby noong Lunes
B. Nakita ko si Ruby noongLunes   
C. Noong Lunes ay nakita ko si Ruby
D. Nakita ko noong Lunes Si Ruby.

21. Mahirap talagang kasama sa grupo ang taong higad ng higad na ay utakbiya pa.  Ano ang ibig sabihin ng kanyang sawikaing binitawan?
A. Mahirap at bobo
B. Kuripot at mahina ang ulo
C. Ubod ng damot at masayahin
D. Masamang tao at palaboy

22. "Talagang iba ka. Yumanig ang gusali sa iyong mga yabag.” Ano ang ginamit niyang tayutay?
A. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)  
B. Pawangis (metaphor)
C. Pagmamalabis (hyperbole)
D. Pagbibigay-katauhan ( personification)

23. "Siya’y parang isang ahas sa kasukalan, gumagapang ang bukid niya’y tulad ng paraiso at ang pananalita niya’y wangis ng kamandag  na namamatay.” Anong matalinhagang pananalita ang kanyang ginamit?
A. Pagtutulad (simile)
B. Paghahalintulad (analogy)
C. Pagwawangis (metaphor)
D. Pagpapalit-tawag (metonomy)

24. "Magtigil ka na, basa na ang papel mo, buwaya sa katihan.” Ano ang matalinhagang salita ang ginamit sa pahayag?
A. Personipikasyon
B. Tayutay (Figure of Speech)
C. Sawikain (idyoma)
D. Salawikain (proverb)

25. "Ibig hingin ni Carlos ang kamay ng dalaga.” Anong uri ng tayutay ito?
A. paghahalintulad
B. pagmamalabis
C. pagpapalit-tawag
D. pagpapalit-saklaw
Category: Review Materials | Views: 7526 | Added by: shadow | Rating: 3.2/4
Total comments: 8
avatar
0
8 coronelally521 • 5:42 AM, 2024-12-10
answer key pls
avatar
0
7 chanyereducation • 4:33 PM, 2020-05-25
Answer key po from 11-25 thnaks.
avatar
0
6 melinda_argosino • 1:24 AM, 2015-07-25
Answer key po , thanks
avatar
0
5 banet_0614 • 6:34 AM, 2015-04-14
Hi. do  have answer key for this?? pls send me  here :

banet_0614@yahoo.com
avatar
0
4 joypejano • 8:57 AM, 2014-10-17
pls give me the answer tnx
avatar
0
3 shadow • 10:34 PM, 2014-08-07
Answer key

1. D
2. C
3. B
4. A
5. D
6. B
7. A
8. D
9. A
10. C
avatar
0
2 sadic macarao • 7:09 PM, 2014-08-07
answer key po
avatar
0
1 karen • 6:10 AM, 2014-07-21
i need the answers to this reviewer
avatar

search the web

LET matters

Note:


All LET review materials (test questions) were taken from previous actual licensure exams, which I got from PNU professors/lecturers.
You will need to register in order to request for the answers to the test items.

Site Support

Please support the site :)


This site is ad-supported. Please click on any advertisements to support and maintain this site. Thank you!.


Site Counter

______________________________
Total online: 1
Guests: 1
Users: 0
Free counters!

Sponsored Link