1:56 PM LET Reviewer for FILIPINO Majors Part 2 |
LET Reviewer for FILIPINO MAJORS (Correct answers will be provided upon request) PANITIKAN Inang, Malaki ang paghahangad kong maging reyna ng karnabal. Ngunit nakikini-kinita kong tagumpay kong iyon ay magiging panghabang-buhay na tali ng aking kalayaan. Natitiyak kong hindi ako makatatagal sa katayuang pagdadalhan sa akin ng tagumpay na iyon kung sakali. Tangi sa rito’y nakilala kong si Tomas na maaari kong katalian sa sandaling mahirang ng reyna ay di ko iniibig. Kaya po ako’y sumamang magtanan kay Danding. Tinanggap ko po ang kanyang alok na maging reyna ng kanyang tahananan. Inang, igawad sana ninyo sa amin ang inyong patawad at ang inyong bendisyon. Humahalik ng kamay, Nora (Halaw sa Kuwentong "Reyna ng Tahanan” ni Amado V. Hernandez) 1. Anong magandang katangian mayroon si Nora nang isulat niyang "Malaki ang paghahangad kong maging Reyna ng Karnabal”? A. Mayabang B. may pangarap sa buhay C. maganda D. makasarili 2. Sa pahayag na …. "Ang tagumpay kong iyon ay magiging panghabang-buhay na tali ng aking kalayaan,” si Nora ay __________. A. May tiwala sa sarili B. madaling masiraan ng loob C. walang kasiyahan D. may pag-aalinlangan 3. Ang paglayo kay Tomas at pagsama kay Danding na magtanan ay nagpapakilala kay Nora na siya’y __________. A. Matapat sa sarili B. taksil C. madaling matukso D. madaling magbago sa isip 4. Sa paggamit ng "po at inyo” na tumutukoy sa kanyang ina, masasabing si Nora ay __________. A. Maalalahanin B. maaasahan C. masunurin D. magalang 5. Sa kabuuan ng liham, si Nora ay maikokonsiderang anak na __________. A. Magalang B. maalalahanin C. malungkutin D. matapat Ipinaaayos ngayon ni ama ang kanyang hapag Nilinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon. (Halaw sa Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo) 6. Inilalarawan sa talata na ang nagsasalaysay ay __________. A. masipag B. masinop C. maaasahan D. mapagmahal 7. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan sa ama bilang manunulat? A. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. B. Nilinis ko ang kanyang makinilya C. Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang D. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon. 8. Ang papel na tinutukoy sa huling pangungusap ay A. Draft ng kuwento B. Blanking papel C. pinagbalutan ng pagkain D. pamunas ng mesa’t makinilya 9. Ang pagsasalaysay ay isang __________. A. Makata B. Manunulat C. nobelista D. bilanggo 10. Alin sa mga salita ang nagpapatunay na ang nagsasalaysay ay bilanggo? A. Mapalad B. Makabasa C. makasulat D. sasamsamin 11. Bakit kinakailangang samsamin ang mga isinusulat ng bilanggo? A. Upang walang ibang makabasa B. Upang sirain ang kredibilidad ng sumulat C. upang maiwasang makatakas ang bilanggo D. upang huwag nang magtangka pang sumulat ang bilanggo. 12. Sa pagsasam ng mga isinulat ng bilanggo ay nagpapakita ng __________. A. Paglabag sa kanyang karapatang pantao B. Paglapastangan sa kanyang akda C. pagkatakot ng militar D. pag-iwas sa sasabihin ng nakararami Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa Bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man Lamang nang hapon iyon. -(Mula sa "Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute) 13. Ang taong tinutukoy sa talata ay isang __________. A. Guro B. mag-aaral C. janitor D. prinsipal 14. Ang nagsasalaysay ay isang __________. A. Mag-aaral B. guro C. principal D. janitor 15. ANg hindi pagtingin ng mag-aaral sa kanyang guro ay pagpapatunay lamang na siya’y __________ sa kanyang guro. A. Nagtatampo B. nagagalit C. napopoot D. nasusuklam 16. Ang pokus sa kuwento ay isang relasyong __________. A. Guro-mag-aaral B. principal-mag-aaral C. guro- prinsipal D. mag-aaral-magulang 17. Sa ginawa ng mag-aaral ay naapektuhan ang guro sa paraang __________. A. Pisikal B. mental C. sikolohikal D. sosyolohikal 18. Sa kabila ng pagtatampo ng mag-aaral ay nagawa pa rin ng mag-aaral na Gawain ang kanyang dating ginagawa dahil __________. A. Likas siyang matulungin B. Mahal niya ang kanyang guro C. tanggap niya ang kasalanang nagawa D. gusto niyang pumasa sa pagsusulit Hinalay ako ng kanilang maanghang na salita Niluray ako ng kanilang matatalim na tanong Dinurog ako ng kanilang di-masikmurang pamumuna Habang doon, sa dako pa roon Sa lugar naming tanging sikat ng araw ang nabubuhay Ay limang bibig ang sa aki’y naghihintay at umaasam Ay wala na Wala nang bias ang pakiramdam Wala nang ritmo ang awit ng aking pagsusumamo Sa gabi at bukas ng gabi at sa sususnod pang mga gabi Habang binabagabag ako ng pudpod na puwit ng saingan at atungal ng aking bunso Ang binabanig ko’y lungkot, ang inuunan ko’y hapis ang kinukumot ko’y luha Habang sa aking tabi, ang aking asawa’y nangingiki sa lagnat, pagkalam ng sikmura -(Halaw sa : " Manipesto ng ISang Dayo” ni Pat V. Villapuerte) 19. Ang persona ay isang lalaking __________. A. Ninakawan ng dangal B. Hinamak ang pagkatao C. inalisan ng karapatan D. nawalan ng asawa’t mga anak 20. Ang pahayag na sa lugar naming tanging sikat ng araw ang nabubuhay ay pahiwatig na ang mga tao sa lugar nna nabanggit ay _____________________. A. Mahihirap C. hindi magkakakilala B. Nakaririwasa sa buhay D. may mga sakit at karamdaman 21. Ang persona sa tula ay __________. A. Namamalimos C. nagtatrabaho nang marangal B. Nagbebenta ng kidney D. naghahanap ng trabaho 22. Ang magpapatotoo sa sagot sa bilang 21 ay ang isinasaad sa taludtod na __________. A. Hinalay ako ng kanilang maaanghang na salita B. Habang doon, sa dako pa roon C. Ay limang bibig ang sa aki’y naghihintay at umaasam D. Ay, wala na. 23. Ang limang bibig ay tumutukoy sa bibig ng __________. A. Asawa’t apat na anak B. Limang anak C. asawa, anak at iba pang kamag-anak D. asawa,a nak at inaalagaang hayop 24. Ang pahayag na ay, wala na ay pagpapahiwatig ng __________. A. Pag-asa B. pagkatao C. pagkabigo D. panghihinayang 25. Ipinahihiwatig sa pamagat ng tula na ang persona sa tula ay __________. A. Dayuhang naninirahan sa Pilipinas B. Pilipinong dayuhan sa ibang bansa C. Aktibistang Pilipino D. Maralitang taga-lungsod 26. Sa panunudla ni Limbas ay bihirang usa, baboy-damo, unggoy at malaking ibon ang nakaliligtas -Halaw sa "Alamat ng Banahaw” Si Limbas ay isang __________. A. Pintor B. makata C. manunulat D. mangangaso 27. Hala, gaod tayo pagod ay titiisin, Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin, Palayu-layo man, kung ating ibigin Dain gang malapit na ayaw lakbayin. -Halaw sa "Ang Soliranin” Ang umaawit ay mga __________. A. Mangingisda B. mangangaso C. bangkero D. maninisid 28. Nang nasa kalahitnaan na siya ng kanyang paglalakbay, nasalubong niya si Sumarang, isang higanteng ang mga mata’y kasinlaki ng pinggan at ang ilong ay dalawang talampakan. –Halaw sa "Biag ni Lam-Ang” Inilalarawan sa pahayag na ang taong tinutukoy ay __________. A. Manlalakbay B. mapaghamon C. malapit sa kapahamakan D. matatakutin 29. Nang dumating ang mga kastila, kanilang pinalitan ang katutubong Abakada ng abakadang Romano. Inilalarawan sa pahayag na ito na ang mga kastila ay __________. A. Adbenturero B. sosyalista C. pagano D. repormista 30. Inilalarawan ni Hernandez ang kanyang kalagayan sa loob ng __________. A. Bilangguan B. kuwadra C. lumang gusali D. bartolina "Paris niyang Amerika kunwa e tagapagtanggol ng mga karapatan ng maliliit na bansa ng paris ng Pilipinas bagkus e siyang mangangamkam na de primera klase.” -Halaw sa "Hulyo 4, 1954 A.D” ni Dionisio Salazar 31. Ang nagsasalaysay ay dumaranas ng matinding __________. A. Kahirapan B. kabiguan C. kawalang-pag-asa D. Kawalang-katarungan "Saksi ang bubungang butas at maraming botelya Ng gamut kung pa’nu nagbuto’t balat ang matanda” -Halaw sa Dugo’t Dalit sa Pagdaralita” ni Lamberto E. Antonio 32. Inilalarawan ng makata ang __________. A. Kahirapan B. kamatayn C. panganib D. kawalang katarungan "Ngunit Diyos… ang hustisya ay may piring Habang hawak ang timbangan Ang timbanan na kayliit Magwasak ng katarunga! -Halaw sa " Ang Mga Langgam na Pula sa Kapirasong Puto-Seko” ni Rodolfo Salandanan 33. Ang persona sa tula ay humihingi ng __________. A. Kalayaan B. kayamanan C. karunungan D. katarungan "Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandal ng pamamahinga at kung nakatulog siya o hindi ay hindi ako matiyak.” -Halaw sa "Uhaw na Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo 34. Isinasalaysay ng tauhan kung gaano kabala ang kanyang ama sa __________. A. Paghahanap-buhay B. paghahanap ng trabaho C. paglilimayon D. pag-aaral "Ngunit tingnan ninyo ang aking narrating, Natuyo, namatay sa sariling aliw, Naging kurus ako sa pagsuyong laing At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.” -Halaw sa "Isang Punungkahoy” ni Jose Corazon de Jesus 35. Dahil sa sinapit na kapalaran, ang persona sa tula ay may bahid ng __________. A. Pagsisisi B. paghihiganti C. pagkapoot D. pagpapatawad |
Category: Review Materials |
Views: 2873 |
Added by: shadow
| Tags: |
Total comments: 3 | |
| |
Note:
All LET review materials (test questions) were taken from previous actual licensure exams, which I got from PNU professors/lecturers.
You will need to register in order to request for the answers to the test items.
Please support the site :)
This site is ad-supported. Please click on any advertisements to support and maintain this site. Thank you!.