• Eureka!!! A site for you! Providing you useful bits and pieces. Pass or even top the board
  • Explore the Wonders of Earth! see, come and enjoy! have a glimpse of a hidden paradise, explore and experience nature's goodness
  • Looking for dedicated LET/Civil Service Review Materials? Seek no more! We've got it for you!
Main » 2013 » September » 14 » LET Reviewer for FILIPINO Majors Part 1
1:37 PM
LET Reviewer for FILIPINO Majors Part 1
LET Reviewer for FILIPINO MAJORS
(Correct answers will be provided upon request)

1. Si Gaspar Aquino de Belen ay sumulat ng mahabang tula tungkol sa buhay ng ating Panginoong Jesu Kristo, nang lumaon ay tinawag na pasyon. Ang kahawig nitong genre ay ang_____________________________.
    A. Tibag
    B. Panuluyan
    C. Senakulo
    D. Doctrina Cristiana

2. Ang mga nagsisulat hindi upang basahin kundi upang pakinggan ay ang mga manunulat noong panahon ni _______________.
    A. Balagtas
    B. AGA
    C. Mangahas
    D. Mabanglo

3. Ang panahong nagbigay pansin sa mga manunulat sa Kastila, Ingles at Tagalog ay _______________.
    A. Amerikano
    B. Hapon
    C. Kontemporaryo
    D. Kastila

4. Noong 1930 bumagsak ang pantanghalang pagtatanghal ng mga Tagalong dahil sa nagsimula ang pagpapalabas ng _______________.
    A. Pelikulang Pilipino
    B. Sarswelang Pilipino
    C. Komedya
    D. Stage show

5. Noong panahon ng aktibismo pinaksa ang _______________.
    A. Kabulukan ng lipunan at pulitika
    B. Nasyonalismo
    C. kahilingan para sa reporma
    D. karanasan ng mga tao ng nakaraang panahon

6. Ang nagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak pagsulat ng maikling kuwento noong panahon ng Hapon ay ang _______________.
    A. Lupang Tinubuan
    B. Kuwento ni Mabuti
    C. Uhaw ang Tigang na Lupa
    D. Lungsod, nayon at Dagat-dagatan 

7. Ang gumamit ng kalipunan ng mga dasal satirical bilang panunuligsa sa mga prayle ay si _______________.
    A. Marcelo H. Del Pilar
    B. Graciano Lopez Jaena
    C. Jose Rizal
    D. Pedro Paterno

8. Ang tinaguriang Ama nng Maikling Kuwentong Tagalog ay si_______________.
    A. Valeriano H. Peňa
    B. Lope K. Santos
    C. Deograsya Roario
    D. Severino Reyes

9. Ang aklat na isinulat ni Modesto de Castro na patungkol sa kagandahang-asal ay ang _______________.
    A. Nuestra Seňora del Rosario
    B. Doctrina Cristiana
    C.Urbana at Feliza
    D. Panubong

10. Ang ngalan panitik ni Emilio Jacinto ay _______________.
    A. Dimas-Ilaw
    B. Dimasalang
    C. Plaridel
    D. Agapito Bagumbayan

11. Matulog ka na bunso
    Ang ina mo ay malayo
    Hindi naman masundo
    May putik at may balaho
    Ang awit sa itaas ay halimbawa ng awit ng _______________.
    A. Pag-ibig
    B. pakikidigma
    C. pampatulog ng bata
    D. pamamangka

12. Ang awit sa itaas ay   tinatawag na _______________.
    A. Oyayi
    B. tikam
    C. kumintang
    D. soliranin

13. Pinalitan ng alpabetong Romano ang unang alpabetong Pilipino ng _______________.
    A. Bokabularyo
    B. gramatika
    C. alibata
    D. sanskrito

14. Ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas ay ang _______________.
    A. Doctrina Cristiana
    B. Barlaan at Josaphat
    C. Nuestra Seňora del Rosario
    D. Urbana at Feliza

15. Ang aklat na naglalaman ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo ay ang _______________.
    A. Tibag
    B. panuluyan
    C. Senakulo
    D. pasyon

16. Ang dulang batay sa alamat ng singsing ng dalaga na naihulog sa dagat ay ang _______________.
    A. Karagatan
    B. duplo
    C. senakulo
    D. tibag 

17. Salamat sa inyo
    Belyaka’t belyako
    Tapos ang nagbayo
    Dala pati halo
    Ang halimbawang ito ay bahagi ng _______________.
    A. Tibag
    B. dupes
    C. karagatan
    D. dalit

18. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
    Sa pagkadalisay at pagkadakila
    Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa
    Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.
    Ang saknong na ito ay buhat sa tulang _______________.
    A. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
    B. Huling Paalam
    C. Katapusang Hibik ng Pilipinas
    D. Sa Mga Kabataang Pilipino

19. Ang El Filibusterismo ay inihandog ni Rizal sa _______________.
    A. Kanyang bayan
    B. Kabataang Pilipino
    C. kanyang kasintahan
    D. GOMBURZA

20. Aking adhika makita kang sakdal laya
    Ang taludtod ay mula sa "Bayan Ko” ni _______________.
    A. Amado V. Hernandez
    B. Ildifonso Santos
    C. Teodoro Gener
    D. Jose Corazon De Jesus

21. Kung tatanawin mo sa malayong pook
    Ako’y tila isang nakadiapng krus
    Sa napakatagal na pagkakaluhod
    Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
    Ang persona sa tula ay _______________.
    A. makata
    B. halaman
    C. punungkahoy
    D. puntod

22. Kaputol na bakal galling sa bundok
    Sa dila ng apoy, kanyang pinalambot
    Sa ilang pandayang matiyagang pinukpok
    At pinaghugis sa nasa ng loob
    Ang kanyang tintutukoy sa saknong ay ang
    A. Magsasaka
    B. mangingisda
    C. sundalo
    D. panday

23. Pinagkatakutan, kay daming nasindak
    Umano, kung gabi ay may namamamalas
    Na isang matandang doo’y naglalakad
    Ang inilalarawan sa saknon ay ang _______________.
    A. Puntod
    B. lumang simbahan
    C. malaking bahay
    D. paaralan

24. Ang kauna-unahang itinanghal na Hari ng Balagtasan ay si _______________.
    A. Ildefonso Santos
    B. Lope K. Santos
    C. Florentino Collantes
    D. Jose Corazon de Jesus

25. Si Amado V. Hernandez ay tinaguriang makata ng _______________.
    A. mangingisda
    B. manggagawa
    C. magsasaka
    D. bilanggo

26. Ang sagisag ni Florentino Collantes ay _______________.
    A. Kuntil-butil
    B. Huseng Sisiw
    C. Huseng Batute
    D. Verdugo

27. Hila mo’y tabak…
    Ang bulaklak nanginig
    Sa paglapit mo
    Ang saknong   ay halimbawa ng _______________.
    A. Tanaga
    B. haiku
    C. karaniwang tula
    D. malayang tula

28. Ang kauna-unahang kwentong nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad Palanca ay ang _______________.
    A. Kamatayan sa Gulod
    B. Pag-uugat… Pagsusupling
    C. Batingaw
    D. Kuwento ni Mabuti

29. Ang Hulyo 4, 2954 A.D. na nagkamit ng unang gantimpala sa Gawad Palanca ay ang _______________.
    A. Dula
    B. Tula
    C. maikling kuwento
    D. sanaysay

30. Nagpahinga 
    Ang Makina
    Sa pabrika
    Ang saknong ay tumutukoy sa mga _______________.
    A. Artista
    B. manggagawa
    C. anluwage
    D. panday

31. Ang sumulat ng Duguang Placard ay si _______________.
    A. Rolando Tinio
    B. Ruth Mabangho
    C. Rio Alma
    D. Rogelio Mangahas

32. Ang tulang Pilipino: Isang Depinisyon na naluklok noong panahon ng Batas Militar ay sinulat ni _______________.
    A. Ponciano Pineda
    B. Edgardo Reyes
    C. Rolando Tinio
    D. Rio Alma

33. Ang unang panitikan natin ay _______________.
    A. pasalin-dila
    B. pakuwento
    C. patula
    D. pasulat

34. May dalang sistema ng pamahalaan na tinatawag na Balangay ang mga _______________.
    A. Indones
    B. Malay
    C. Intsik
    D. Baluga

35. Ang awit pangkasal ay tinatawag na _______________.
    A. oyayi
    B. Kundiman
    C. diona
    D. soliranin

36. Ang Atin Cu Pung Singsing   ay awiting bayan ng mga _______________.
    A. Ilokano
    B. Waray
    C. Bikolano
    D. Kapampangan

37. Ginagamit sa pangkukulam, pang-ingkanto o pasintabi ang 
    A. bulong
    B. dalit
    C. dung-aw
    D. kundiman

38. Nabuo ang pangkat na tinatawag na "may-kaya” na may ari-arian at lupain noong panahon ng _______________.
    A. Amerikano
    B. Hapon
    C. Kastila
    D. Komonwelt

39. Ang humalili sa alibata ay ang _______________.
    A. sanskrito
    B. arabik
    C. Romano
    D. Griyego

40. Nagpapakita ng paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus ang _______________.
    A. tibag
    B. panunuluyan
    C. senakulo
    D. pasyon

41. Ang melodrama o dulang musical na tatluhing yugto ay _______________.
    A. sarswela
    B. moro-moro
    C. opera
    D. trahedya

42. Ang bersyong payak na binibigkas sa mga orasyon o lamayan ay tinatawag na _______________.
    A. duplo
    B. dung-aw
    C. dalit
    D. Ioa

43. Ang kilusang binuo ng pangkat ng mga intelektuwal sa gitnang uri na humihingi ng reporma o pagbabago ay ang _______________.
    A. propaganda
    B. KKK
    C. manggagawa
    D. estudyante

44. Hinggil sa katamaran ng mga Pilipino ang _______________.
    A. Sobre La Indonecia delos Filipinos
    B. Filipinos Dentro decien Años
    C. A La Juventud Filipino
    D. Mi Ultimo Adios

45. Kilalang akda ni Marcelo H. del Pilar ang _______________.
    A. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
    B. Katapusang Hibik ng Pilipinas
    C. Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya
    D. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

46. Tumatalakay sa katiwalian ng mga prayle sa Pilipinas ang _______________.
    A. Sobre La Indonecia delos Filipinos
    B. Filipinas Dento decien Años
    C. La Soberana en Filipinos
    D. A La Juventud Filipino

47. Ang kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang kastila na sinulat ng isang Pilipino ay ang _______________.
    A. Ninay
    B. A Mi Madre
    C. Noche Buena
    D. Ser Divisiten

48. Ang tinaguriang Ama ng Demokrasyang Pilipino ay si _______________.
    A. Emilio Jacinto
    B. Apolinario Mabini
    C. Emilio Aguinaldo
    D. Andres Bonifacio

49. Ang Himno Nacional Filipina ay isinulat ni _______________.
    A. Antonio Luna
    B. Pascual Poblete
    C. Jose Palma
    D. Jose Panganiban

50. Ang panitikan ay sumunod sa romantisismo sa Europa noong panahon ng _______________.
    A. Amerikano
    B. Hapon
    C. Kastila
    D. Kalayaan

51. Ang tinaguriang Lola Basyang ay si _______________.
    A. Patricio Mariano
    B. Hernandez Ilagan
    C. Lope K. Santos
    D. Severino Reyes

52. Ang kauna-unahang nobela na tumatalakay sa sosyalismo sa Pilipinas ay ang ____________.
    A. Banaag at Sikat
    B. Bayang Malaya
    C. Madaling-araw
    D. Lihim ng Isang Pulo

53. Natigil ang panitikan sa Ingles noong panahon ng ______________.
    A. Amerikano
    B. Hapon
    C. Kalayaan
    D. Aktibismo

54. Itinuturing na ginintuang panahon ng maikling kuwento ang panahon ng _____________.
    A. Hapon
    B. Amerikano
    C. Kalayaan
    D. Aktibismo

55. Naging madugo at mapangwasak ang mga demonstrasyon at pagpapahayag noong panahon ng _______________.
    A. Batas Militar
    B. Aktibismo
    C. Amerikano
    D. Hapon
Category: Review Materials | Views: 2803 | Added by: shadow | Tags: Filipino major, licensure exam for teachers, Filipino, teacher's exam, Filipino reviewer, reviewer, board exam, licensure, LET reviewer | Rating: 3.5/4
Total comments: 8
avatar
0
6 sadic macarao • 7:03 PM, 2014-08-07
wala na po kyong ibang questionnaire sa filipino? about wika? salamat.
avatar
0
7 shadow • 11:35 PM, 2014-08-07
Mangyari po ay pakitingnan nyo na lamang sa website na ito --> http://infinithinkit.blogspot.com para sa inyong hinahanap na reviewer.
avatar
0
5 sadic macarao • 7:02 PM, 2014-08-07
04159*3
avatar
0
4 roel cabungcag • 11:06 AM, 2014-08-04
pahingi ng susing sagot..dahil malaking tulong po ito saakin
avatar
0
8 shadow • 0:02 AM, 2014-08-08
Dito po ang mga sagot --> http://infinithinkit.blogspot.com
avatar
0
2 karen • 5:06 PM, 2014-07-21
please where are the answers?
avatar
0
3 shadow • 1:29 PM, 2014-08-03
Please check this Post for the answer keys.
avatar
0
1 karen • 6:57 AM, 2014-07-21
answer please.... thank you
avatar

search the web

LET matters

Note:


All LET review materials (test questions) were taken from previous actual licensure exams, which I got from PNU professors/lecturers.
You will need to register in order to request for the answers to the test items.

Site Support

Please support the site :)


This site is ad-supported. Please click on any advertisements to support and maintain this site. Thank you!.


Site Counter

______________________________
Total online: 1
Guests: 1
Users: 0
Free counters!

Sponsored Link